Inihayag ni House Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda na ang mandato ng kanyang komite na nagsusulong ng mga reporma sa buwis ay lalong pinalakas matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagpapatibay sa konstitusyonalidad ng Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration at Inclusion (TRAIN) Law, na pangunahing inakda ni Salceda noong 17th Congress.
Ayon kay Salceda ang desisyon ng Korte Suprema na nagtataguyod sa konstitusyonalidad ng TRAIN Law ay nagpapakita ng pangako ng Korte na itaguyod ang karaniwang paggalang nito sa primacy ng Kongreso sa pagpapatibay ng batas sa buwis at kung mapapawalang-bisa ang batas, mapapawalang-bisa ang malalaking pagtaas sa takehome pay ng mga karaniwang nagbabayad ng buwis – kasama ang 5% o higit pang pagtaas ng takehome na natanggap ng mga manggagawa mula sa TRAIN law ngayong 2023.
“Of course, we are committed to a progressive tax system. That said, this is a matter for Congressional debate, not a matter for courts to decide. And the ruling affirms this,” pahayag ni Cong. Salceda.
Idinagdag ni Salceda na ang halos nagkakaisang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon laban sa TRAIN law ay nagpapahiwatig na igagalang ng Korte ang matagal nang juridprudence na ‘ang kapangyarihan sa pagbubuwis ng Estado ay eksklusibong isang legislative function.
“The vote showed a near-total consensus among Justices that the Court will respect Congress’ long-established breadth of latitude over fiscal policy. That gives us a lot of room to improve tax policy, without fear of the Supreme Court striking these reforms down unjustly, dagdag pa ni Salceda.”
Dagdag pa ni Salceda, ang ruling ay nagpapatunay na ang Kongreso ay kung saan nakasulat ang batas sa buwis.
Pinapalakas nito ang kamay ng House Committee on Ways and Means para ipagpatuloy ang kanilang policy reform at tax oversight efforts.
Binigyang-diin ng economist solon na sila ay nakatuon at gampanan ang kanilang tungkulin para magkaroon ng tunay na pag-unlad ng isang sistema ng pagbubuwis na tunay na progresibo at hindi pasanin na ipinapataw nito, kundi pati na ang mga benepisyo ng kung ano ang kinokolekta nito.
Sinabi ni Salceda, bahagi ng pag-unlad ng isang progresibong sistema ng pagbubuwis ay ang pagtiyak na ang pasanin ay talagang maipapataw sa mga nilalayong nagbabayad ng buwis.
“On smuggling, expect us to make recommendations that will improve the system of both enforcement and prosecution. We need a system of preventing smuggling and also a system of ensuring the cases Customs and the DOJ files actually result in convictions,” wika ni Salceda.










