-- Advertisements --
Sumabog ang bulkang Sakurajima sa isla ng Kyushu, Japan.
Ayon sa Japanese Meteorological Agency (JMA) na nagbuga ng mga abu at bato sa layong 2.5 kilometers mula sa bulkan.
Itinaas ang alert level sa 5 ang pinakamataas na alert level kung saan pinayuhan nila ang mga residente doon na lumikas na.
Ang Sakurajima ay isa sa aktibong bulkan sa Japan at makailang beses na rin itong sumabog na ang pinakahuli ay noong 2019 na nagpakawala ng abo ng aabot sa 5.5 kilometers.