-- Advertisements --

Lalo pang dumami ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals, ilang oras bago ang inaasahang landfall ng bagyong Dante sa Eastern Samar.

Kabilang sa mga nasa signal number two (2) ang mga sumusunod:
Masbate kasama na ang Ticao at Burias Island, Albay, Sorsogon; Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte; Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.

Signal number one (1) naman sa Quezon kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque at Romblon; Aklan, Capiz, northern at central portion ng Iloilo, northern portion ng Negros Occidental, Bohol, northern at central portion ng Cebu, pati na ang Bantayan at Camotes Islands; ganun din sa natitirang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, northeastern portion ng Misamis Oriental at Camiguin.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 235 km sa silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pakanluran sa bilis na 25 kph.