Ikinabit na sa Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sport Complex sa Maynila ang sahig na ginamit sa hosting ng bansa ng FIBA Basketball World Cup.
Isinagawa ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang turn-over ng mga sahig na ginamit sa Philippine Sports Commission bilang donation basis.
Nagamit na ang nasabing flooring sa 3×3 tournament ng Batang Pinoy at Philippine National Games.
Ang nasabing sahig aniya ay parehas na ginamit sa World Cup finals kung saan nagwagi ang Germany kontra sa Serbia.
Dito rin naglaro ang USA Basketball Team ng talunin nila ang Canada sa bronze-medal games.
Ayon sa PSC na ang mga sahig naman na ikinabit sa Araneta Coliseum at Philippine Arena ay ililipat din sa mga government-controlled venues gaya ng Philsport Arena at sa Rizal Memorial Coliseum.