Sinuspendi na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang safety certificate ng pampasaherong barko na MV Experanza star na nasunog sa may panglao island sa lalawigan ng Bohol nitong araw ng Linggo.
Ibig sabihin ang hindi na muna ito papayagang maglayag hangga’t nananatiling kwestyonable ang seaworthiness ng barko matapos ang insidente.
Paglilinaw naman ng MARINA na tanging ang safety certificate ng MV Esperanza Star ang suspendido at hindi ang lahat ng sasakyang pandagat ng nag-mamayari ng nasunog na barko na kho shipping lines.
Una rito, base sa inisyal na imbestigasyon nagsimula ang sunog sa barko mula sa may engine room. Nilamon ng apoy dakong alas-4 ng madaling araw ang parte ng barko ilang kilometro lamang mula sa tagbilaran city port.
Nailigtas naman ang lahat ng 137 lulan na mga pasahero at tripulante ng nasabing barko.
Nagbigay na rin ang kho shipping lines na tulong pinansiyal na P5,000 sa bawat pamilya na lulan ng barko at nagbigay din ng P2,000 sa bawat pamilya ang DSWD.