Sinuspindi ng Maritime Industry Authority ang safety certificate ng Aya Express na lumubog na motorbanca sa bahagi ng katubigang sakop ng Binangonan, Rizal.
Ito ay kasunod ng naturang insidente na kumitil sa buhay ng mahigit 20 indibidwal na sakay nito.
Ayon sa Maritime Industry Authority, magsasagawa ito ng bukod na maritime safety investigation hinggil sa nasabing insidente.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang PCG sa kanilang isinasagawang search and retrieval operations habang nakatakda ring magsagawa ng parallel investigation ang Philippine National Police sa nasabing insidente.
Kung maaalala, batay sa una nang iniulat ng mga opisyal ng Philippine Coast Guard sa ngayon ay nasa 66 na mga pasahero na ang nasagip mula sa naturang barko kahit na 42 lamang ang seating capacity ng nasabing banka.