Inamin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na ang pinakamainit na pinag-usapan pa rin sa nagdaang May 2022 national and local elections ay ang vote-buying issue.
Inihayag niya ito kasabay sa pagpupulong kanina na may kinalaman sa Comelec Assessment of the 2022 National and Local Elections.
Ayon sa kanya bilang lawyer, isa sa pinakamahirap na ma-prosecute ay ang mga vote-buying cases na kung saan ito ay maituturing umanong criminal cases at ang unang aksyon na ginagawa sa ganito ay “disqualification” ng kandidato.
Sa kabila nito, mababa naman daw ang bilang ng natanggap nilang mga election protest at vote-buying cases sa nagdaang May 2022 election.
Una rito, mahigpit pa rin namang iginigiit ni Garcia ang pagsusulong sa transparency and accountability sa darating pang mga halalan.
Samantala, sa pahayag naman ni Assistant Director of Education and Information Division of Commission on Election Atty. Abigail Yakunya, kanyang namang binigyang diin na malaki ang magiging tulong ng voter’s education.
Ito naman ay para mahikayat pa ang mga mamamayan pati na ang mga first-time voters na gamitin ang kanilang kapangyarihan sa pagboto para mamili ng mga mamumuno sa ating bansa.
Ayon kay Atty. Yakunya sa pag-postpone ng 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections naging handa naman daw ang Commisision on Elections na mag-conduct ng resumption ng continuing registration.
Dagdag pa niya, sila raw na nasa Education of Information Division ng komisyon ay ready na ukol sa ganitong isyu kaya naman magsusumite sila sa Commission en Banc ng kanilang mga plano para sa Voter’s Education and Voter’s information campaign. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)