-- Advertisements --

Itinanggi ng social media personality na si Sachzna Laparan na kaniyang binili ang diploma nito kaya nakapagtapos ng kolehiyo.

Matapos kasi ang pagpost nito na nagtapos siya sa Philippine Christian University sa kursong Bachelor of Science in Office Administration ay hindi maiwasan na may ilan ang kumuwestiyon dito.

Subalit malumanay nitong sinagot ang mga batikos at sinabing hindi basta-basta ang kaniyang ipinagdaanan.

Pinagsabay niya ang pagharap sa camera at tahimik itong nag-aaral para makamit ang mahalagang pangarap niya na makapagtapos sa kolehiyo.

Dagdag pa nito na napilitan siyang huminto noon sa pag-aaral dahil sa hirap sa buhay dahil siya ay breadwinner sa pamilya.

Plano nito ngayon na ipursige ang kaniyang master’s degree kung saan labis nitong maipagmamalaki na siya ang unang miyembro ng pamilya na nakapagtapos sa kolehiyo.