-- Advertisements --

Hinimok ni Marikina Rep. Stella Qumbo ang Kamara na imbestigahan ang posibleng sabwatan ng oil companies para manipulahin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Nakatakdang maghain ang kongresista ng resolusyon para sa silipin ang issue, kasabay ng pagtukoy kung may kinalaman rito ang pricing system ng Department of Energy.

“Are oil companies colluding in pricing fuel? Why is the fuel price increase similar even if they belong to different companies, with different procurement methods of buying oil from the world market. Their cost of operations are different also; maybe there really is a cartel run by oil companies,” ani Quimbo.

Nitong Martes nang magpatupad ng malaking oil price hike ang ilang kompanya ng langis.

Ayon sa DOE, dulot ito ng nangyaring drone attack sa pinaka-malaking oil facility ng Saudi Arabia.

Nagpatupad ang Shell at Petro Gazz ng pagtaas na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa kada litro ng diesel, at P1.75 naman sa kada litro ng kerosene.

Ganito rin ang ipinatupad na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng Caltex ngayong araw.

Pero ayon kay Quimbo, taliwas ito sa pagtitiyak ng mga oil companies na sapat ang kanilang supplies ng hanggang 37 araw.

“If these are their inventory patterns, it appears that what they are selling today was purchased at least a month prior to the drone attacks. If this is the case, they have no basis to raise oil prices,” dagdag pa nito.