Sabay-sabay ang gagawing flag-raising at wreath-laying na isasagawa sa ilang mga national historical sites habang ginugunita ng bansa ang ika-124 na Araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12, ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Sinabi ng senior researcher ng NHCP na si Francis Kristoffer Pasion na ang mga site kung saan gaganapin ang flag-raising at wreath-laying ay kinabibilangan ng Barasoian (Baraso-ay) Church sa Malolos, Bulacan, ang Andres Bonifacio Monument sa Caloocan City, at ang Mactan Shrine sa Cebu.
Pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa Araw ng Kalayaan sa Rizal Park.
Mamarkahan ng okasyon ang huling pagkakataon na mamumuno si Duterte bilang pangulo mula nang magtapos ang kanyang termino sa panunungkulan sa Hunyo 30.
Ang riding public naman ay magkakaroon din ng libreng sakay sa MRT3 at LRT sa Hunyo 12.
Samantala, isang socio-civic parade, ilang cultural show, at job fair ang gaganapin sa Kawit, Cavite, ang munisipalidad kung saan idineklara ni Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas, ang Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898.
AV: National Historical Commission of the Philippines (NHCP) senior researcher Francis Kristoffer Pasion