Todo ngayona ng paglilinaw ng Department of Health (DoH) na walang outbreak ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Metro Manila sa kabila ng mga naitalang kaso.
Sinabi ni DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, bagamat tumaas daw ang kaso ng hand, foot and mouth disease ay naitala naman ito sa loob ng dalawa o tatlong buwan.
Nilinaw din ng opisyal na walang idineklarang outbreak ang DoH para sa hand, foot, and mouth disease.
Sa ngayon, mayroon nang naitala ang DoH na155 na kaso ng hand, foot and mouth disease sa Metro Manila mula noong buwan ng Oktubre hanggang ngayong Disyembre.
Karamihan daw sa mga dinapuan nito ay ang mga batang may edad 11 taong gulang pababa.
Regular din umanong naire-report sa DoH ang mga kaso ng hand, foot and mouth disease.
Ayon sa World Health Organization, karaniwang naapektuhan ng hand, foot and mouth disease ang mga bata maging adolescents at adults.
Ang sakit ay mayroong mild at self-limiting na mayroong common symptoms na kinabibilangan ng fever, rash at paltos sa kamay, paa at buttocks.
Pero ang mas malalang sintomas nito ay gaya ng meningitis, encephalitis at polio-like paralysis.