Kasabay ng unang araw ng Hulyo, inanunsyo na mismo ni Ryza Cenon ang kanyang pagbubuntis.
Sa serye ng Instagram 32-year-old actress, inilarawan nito bilang “answered prayer” ang pagiging future mommy niya sa first baby nila ng cinematographer mula sa Bacolod City na si Miguel Antonio Cruz.
“Si Miguel, nakilala ko po siya last year ng end of June,” saad nito sa pep.
Pag-amin ni Ryza, five months na ang kanyang “quarantine baby” at hindi muna prayoridad ang pagpapakasal.
“Willing siyang (Miguel) pakasalan ako. Pero ako po ‘yung hindi pa ready. For me kasi, it’s too early para mag-decide. Any age naman, puwede kang magpakasal. Pero mas magandang mag-build muna ng foundation sa relationship… Nag-jump na po kami ng level. Hindi na kami dumaan sa process na magpakasal muna.”
Huling nakilala ng publiko bilang boyfriend ni Cenon ay ang aktor na si Cholo Barretto.