-- Advertisements --
Russian airport

Maraming mga residente sa Russia ang nag-aagawan umanong makalis ng bansa matapos na iutos ni President Vladimir Putin ang activition ng 300,000 mga reservists para sa giyera laban sa Ukraine.

Sinasabing pinag-aagawan umano ng mga pasahero ang one-way tickets palabas ng Russia kaya naman lalo umanong nagmahal ang mga ito.

Ang airport rush ay nagdulot din ng pagdami ng mga pasahero sa paliparan na nagnanais na agarang makaalis ng Russia.

Sinasabing ang direct flight mula sa Moscow at patungong Istanbul Turkey at Yerevan at maging sa Belgrade ay mabilis daw na na-sold out.

Maging ang pamasahe patungo namang Dubai ay nagmahal din lalo.

Nangangamba kasi ang ilang mga residente sa Russia na baka hindi na sila makaalis ng bansa kung matapos na ang giyera.