-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang buwan si Russian tennis star Daniil Medvedev dahil sa ito sasailalm sa operasyon sa hernia o isang sakit sa kaniyang tiyan.
Sinabi ng world number 2 tennis player in the world na wala pang katiyakan kung makakapaglaro ito sa French Open sa susunod na buwan.
Posible ring hindi ito makakalaro sa Monte Carlo Masters sa susunod mga linggo at ang ATP 1000 events sa Madrid sa buwan ng Mayo.
Dagdag pa nit ona noong nakaraang buwan ay naglalaro na ito na mayroong maliit na hernia subalit nagdesisyon ito na kaniya ng ipapatanggal.
Magugunitang nagwagi sa US Open si Medvedev noong nakaraang taon subalit binigo siya ni Rafael Nadal sa Australian Open nitong Enero.