-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy ngayon na ino-obserbahan ang kalagayan ng isang Russian seaman na una ng ni-rescue ng COVID-19 medical team sa Mati City Incident Management Team matapos itong makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Nabatid na sakay ng cargo ship na Asphalt Transporter ang 33-anyos na Russian seaman at papunta sana ito sa Australia. 

Sinasabing apat na araw na itong nagkasakit ng ubo at sipon dahilan na ni-rescue na ito ng mga otoridad. 

Sinundo ito sa nasabing barko ng mga medical team gamit ang speedboat at sinakay sa ambulance mula sa Mati wharf papunta sa isang maliit na eroplano na naghihintay sa pasyente. 

Bagaman hindi umano mahina ang Russian seaman kung saan nakasuot ito ng PPE sa backpack. 

Hindi naman isinantabi ng lokal na pamahalaan ng Mati ang posibilidad na nahawa ito ng Covid-19 dahil sa mga sintomas na naranasan nito. 

Pinawi naman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang takot ng mga residente lalo na at mahigpit na sinusunod ang mga hakbang sa pag-iingat para sa COVID-19.