-- Advertisements --

Bumisita sa bansang Iran si Russian President Vladimir Putin.

Nakipagpulong ito kay Iranian President Ebrahim Rais sa Tehran at nakatakdang makipagkita sa suprem leader ng Iran ganun din kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Ito na ang pangalawang pagbiyahe ni Putin mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.

Ilan sa mga tatalakayin ay ang grain export at ang kaguluhan sa Syria at Ukraine.

Nauna rito ibinunyag ng US na magbibigay ng ilang daang drones ang Iran sa Russia na gagamitin sa pag-atake sa Ukraine.