-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sina Russian President Vladimir Putin at Belarus President Alexander Lukanshenko.

Ayon kay Kremlin spokesperson Dmitry Peskov, isasagawa ang pagpupulong sa araw ng Biyernes sa bahay ni Putin sa Novo-Ogaryovo sa Moscow.

Mahigpit ang samahan ng dalawang bansa kung saan nagtutulungan ang mga ito sa kanilang military powers.

Nauna rito ay ginamit ng Russia ang teritoryo ng Belarus para makapasok sa Ukraine noong lusubin nila ito noong Pebrero 2022.