-- Advertisements --
Patuloy na bumubuti na ang kalagayan ni Russian opposition leader Alexey Navalny.
Ito ay matapos ang ilang linggong pananatili sa pagamutan mula ng malason sa ininom nitong tea.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang nasa pagamutan ng Germany.
Sinasabing nilason ito gamit ang chemical nerve agent mula sa Soviet-era Novichok group.
Mariing pinabulaanan naman ni Russian President Vladimir Putin na sila ang nasa likod ng nasabing paglason kay Navalny.
Desidido pa rin ang nasabing opposition leader na bumalik sa Russia kapag ito ay nakalabas na sa pagamutan.