-- Advertisements --

Ibinunyag ng abogado ni Russian opposition leader na si Alexey Navalny na hindi na nila matukoy ang kinaroroonan nito matapos makulong.

Nahatulan ng 19 taon na pagkakakulong noong Agosto matapos na mapatunayang guilty sa paglunsad sa extremist community, pag-finance ng extremist activities at ilang mga krimen.

Mariing pinabulaanan naman ni Navalny ang nasabing alegasyon.

Kasalukuyan na itong nagsisilbi ng hatol niya na 11 at kalahating taon sa maximum security facility.

Tinungo ng abogado nito ang ilang mga prison facilities na maaring kinaroroonan niya subalit bigo sila.

Taong 2020 ng patungo sana ito sa Germany ng ito ay nilason ng Novichok na isang nerve-agent at na-comatose pa ito sa pagamutan sa Berlin.

HInala ng kampo nito na itinago lamang siya para hindi makasagabal sa gagawing halalan sa Russia sa susunod na taon.