-- Advertisements --

Bumagsak sa mga residential area sa southern Siberia ang isang Russian military plane.

Ayon kay Irkutsk City regional governor Igor Kobzevo, na isang uri ng Sukhoi Su-30 fighter ang bumagsak sa dalawang palapag na gusali.

Kapwa nasawi sa insidente ang dalawang piloto dahil sa pagbagsak.

Sa pahayag ng Russian Ministry of Emergency Situations na nagsasagawa lamang ng test flights ang eroplano ng ito ay bumagsak.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ng Russian state Investigative Committee sa nasabing insidente.