-- Advertisements --
Napatay sa isang pagsabog ang Russian military blogger na si Vladlen Tatarsky.
Naganap ang insidente sa isang cafe sa St. Petersburg kung saan mayroong 19 na katao iba pa ang sugatan.
Base sa inisyal na imbestigasyon na pinasabog ng hindi kilalang suspek ang isang hindi pa malamang bomba.
Dahil dito ay gumuho ang ilang bahagi ng gusali kung saan nandoon si Tatarsky.
Si Tatarsky ay kilala sa pagbibigay ng mga update sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Mayroon itong mahigit kalahating milyon na followers sa social media.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.