Patay ang Russian Lieutenant General na kinilala na si Fanil Sarvarov matapos sumabog ang isang bomba na nakalagay sa ilalim ng kanyang sasakyan sa Moscow, ayon sa Russia’s Investigative Committee.
Si Sarvarov, 56, ang pinuno ng operational training department ng armed forces. Teorya ng mga awtoridad base sa kanilang imbestigasyon may kinalaman ang pakikialam ng Ukrainian intelligence, ngunit wala pang opisyal na pahayag mula sa Ukraine.
Makikita sa mga larawan mula sa lugar ang isang puting sasakyan na nasira ang mga pinto, sa loob ng isang parking lot malapit sa apartment block sa lugar.
Sa kabilang bansa inihain na ng mga awtoridad ang kasong murder at illegal trafficking ng mga pampasabog.
Kilala si Sarvarov sa kanyang combat operations noong Ossetian-Ingush conflict at Chechen wars noong 1990s at early 2000s. Isa rin siya sa mga namuno sa operasyon sa Syria noong 2015-2016.
Ipinabatid naman agad kay Russian President Vladimir Putin ang pagkamatay ni Sarvarov, ayon sa Kremlin.
Nabatid na simula nang simulan ng Russia ang full-scale invasion sa Ukraine noong Pebrero 2022, ilang opisyal na ng militar ang naging target ng car bomb sa Moscow.










