-- Advertisements --

Tinamaan ng drone ng Russia ang Danube River port sa Ukraine.

Ang nasabing lugar ay siyang mahalagang lugar kung saan doon dumadaan ang mga trigo ng Ukraine patungo sa ibang bansa.

Ito na kasi ang pangunahing ruta ng Ukraine ng kanilang trigo mula pa noong Hulyo.

Sinabi ng Ukraine South Military command na may mga gusali ang nasira at sugatan ang dalawang sibilyan dahil sa insidente.

Naganap ang nasabing pag-atake bago ang pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at Turkish President Tayyip Erdogan.