-- Advertisements --

Nagkaroon na ng mas malalim na ugnayan ang Russia at Iran.

Ito ay matapos pagbisita ni Russian Defence Minister Sergey Shoigu sa Iran kung saan nakipagpulong ito sa mga matataas na opisyal doon.

Inikot din niya ang mga missiles at drones ng Iran bago ang pakikipagpulong sa ilang opisyal doon.

Ilan sa mga natalakay nila ay ang pagsasagawa ng joint military exercises sa Pebrero 2024.

Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na gumagamit sila ng mga drones na gawa ng Iran.