-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng Russian cyberattacks sa mga bansa na miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Ayon sa Google na hindi lamang dumoble kung hindi ito ay naging apat na beses na mas mataas kumpara noong 2020 at mahigit triple sa pag-atake sa Ukraine.
Dagdag pa ng US tech giants na naging mataas ang atake mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 24, 2022.
Lumabas din sa kinokontrol ng Russian armed forces ang cyberattacks na siyang gumagamit ng destructive malware para masira ang kakayahan ng militar ng Ukraine.