-- Advertisements --
Ibinasura ng korte sa Russia ang apela ni US basketball star Brittney Griner na bawasan ang siyam na taon na hatol dahil sa drug charges.
Ayon sa korte sa Moscow na tama lamang ang ipinataw nilang hatol kay Griner.
Sa pagdinig ng pag-apila nito, ay humingi siya ng paumanhin.
Tinawag nito ang pangyayari bilang isang honest mistake at labis itong stress.
Noong Agosto ay hinatulan ang 32-anyos na si Griner dahil sa pagpuslit at pagdala ng cannabis oil.
Magugunitang naaresto si Griner mula pa noong Pebrero 17 ng dumating ito sa Russia para maglaro bilang import sa local na basketball league doon.
Nakuha ang ipinagbabawal na mga substances na nasa loob ng cartridge ng kaniyang vape.