-- Advertisements --

Sumulat ang Russia sa United Nations Security Council para ilantad ang tunay na nangyayari sa Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine.

Ayon sa sulat ng Russian mission to the UN na pinapalaki lamang ng Ukraine ng mga nagaganap sa nasabing planta kung saan sa katunayan aniya ay mapayapa ito.

Pinabulaanan din ng Russia na kanilang sundalo ay nagtatago ng mga armas sa nasabing planta.

Magugunitang mula pa noong Marso ay nasakop na ng Russia ang planta kung saan nagtayo pa ang mga ito ng kanilang military base.

Nanawagan naman ang United Nations na dapat lisanin na ng Russia ang planta dahi magdudulot ito ng malaking disgrasya kapag tuluyang matamaan ito ng mga rockets.