-- Advertisements --

Muli na namang pinatawan ng Estados Unidos ang bansang Russia ng panibagong sanctions at diplomatix expulsions bilang parusa ng Amerika dahil sa di-umano’y pangingialam ng Moscow noong 2020 U.S. election, SolarWinds cyberattack at ang patuloy na human rights abuses sa Crimea.

Ipinataw ang mga sanctions na ito isang araw matapos ibahagi ni Secretary of State Anthony Blinken ang kaniyang pagkabahala sa military build-up ng Russia sa border ng Ukraine.

Isiniwalat kasi ng US intelligence community sa annual report nito na ang Russia ang may pinaka-seryosong banta sa intelligence communite ng U.S

Ang anunsyong ito ay ilan lang sa mga foreign policy stepss na ginawa ng administrasyon ni U.S. President Joe Biden ngayong linggo, kabilang na rito ang laniyang desisyon na tanggalin ang tropa-militar ng Amerika sa Afghanistan.

Nakatakda ring magpadala si Biden ng delegasyon sa Taiwan upang ipahatid ang suporta nito sa demokrasya at seguridad sa nasabing bansa.

Ngayong araw din ay pormal nang pinangalanan ng Democratic president na ang Russian Foreign Intelligence Service ang nasa likod ng hacking na naranasan ng SolarWinds, dahilan para maapektuhan ang sistema ng federal government at pampribadong sektor.

Inanunsyo rin ng White House na tatanggalin nito ang 10 Russian diplomats sa Washington, kabilang na rito ang kumakatawan sa Russian intelligence service.

“We cannot allow a foreign power to interfere in our democratic process with impunity,” saad ni Biden sa kaniyang talumpati ngayong araw.

“I was clear with President Putin that we could have gone further, and that we wanted a stable, predictable relationship with Russia,” pagpapatuloy nito.

“Now is the time to de-escalate. Where there’s an interest for the United States to work with Russia, we should and we will.”