-- Advertisements --

Pinag-aaksayahan ng Russia ang napakaraming natural gas habang pinuputol ang mga suplay nito sa Europa.

Ito’y matapos makita sa satellite image sa Portovaya ang isang malaking flare habang nasusunog ang gas.

Ang facility ay malapit sa hangganan ng Finland at bahagi ng network na nagpapa-feed sa Nord Stream 1 pipeline na nagdadala ng gas sa Germany.

Ang mga flows sa pipeline ay nabawasan sa 20% lamang ng capacity nito.

Nagbabala naman si Esa Vakkilainen, professor ng LUT University na magdulot ito ng malaking problema sa kapaligiran, lalo na para sa North Pole area kung saan tiyak na may epekto ito sa global warming.