-- Advertisements --
Ibinunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nagpaplano ang Russia ng matagalang pag-aatake gamit ang kanilang Shahed drones mula Iran.
Sinabi nito na nais ng Russia na tuluyang mapagod ang mga tao, air defense at maging ang energy sector ng Ukraine.
Iginiit ni Zelensky na ang pangunahing plano nila ngayon ay tuluyang pabagsakin ang mga drones ng Russia.
Sa pagpasok lamang aniya ng 2023 ay nasa 80 mga drones na ng Russia ang kanilang napabagsak.