-- Advertisements --

Nagpadala ang Russia ng eroplano na puno ng mga medical supplies at protective gears at ventilators sa New York.

Ang nasabing hakbang ay isinagawa ilang araw matapos mag-usap sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Nauna rito nag-usap sa telepono sina Trump at Putin at napag-usapan dito ang tungkol sa coronavirus pandemic.

Magugunitang nagkukumahog ang US sa paggawa ng mga ventilators at personal protective equipment (PPE) dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus.