Naglunsad ang Russia ng panibagong pag-atake sa kabisera ng Ukraine at sinabi ng mga opisyal na nagpabagsak sa imprastraktura sa ilang distrito ng Kyiv.
Binaril din ng mga militar ang ilang air defense system na inilunsad ng Russia.
Hindi agad nalaman kung gaano karaming mga bagay ang binaril sa nasabing lungsod na kung saan hindi rin malinaw kung missile o drone attack ang inilunsad.
Sinabi ni Kyiv Mayor Vitali Klitschko na ang mga nahuhulog na debris ay naging dahilan upang masunog ang ilang sasakyan at masira ang isang gusali sa distrito ng Solomyanskyi sa kanluran ng kabisera at naitala na mayroong tatlong katao ang sugatan.
Dalawang kotse ang nasunog sa timog-silangang distrito ng Darnytskyi ng lungsod dahil na rin sa nasabing air strike ng Russia.
Sinabi ng administrasyong militar ng Kyiv na ang mga bumabagsak na mga debris ay iniulat sa mga distrito ng Obolonskyi, Shevchenkivskyi, Solomyanskyi at Darnytskyi ng naturang kabisera.