-- Advertisements --
Naghahanda ngayon ang Russia na isunod na masakop ang mga kabisera sa Donetsk region na nananatiling nasa kontrol ng Ukraine matapos na makubkob ang nalalabing Ukarinian controlled city sa Luhansk ayon sa General Staff ng Ukrainian military.
Sinusubukan na aniya ng units ng Russian military sa direksyon ng Sloviansk na makontrol ang lugar sa Bohorodychne, Mazanivka, at Dolyna sa pamamagitan ng assault operations.
Nakasentro aniya ngayon ang pag-atake ng Russian forces sa Sloviansk at Kramatorsk na dalawang largest population centres sa lugar.
Ayon pa sa Ukrainian military, halos kontrolado na ng Russian forces ang mga lugar malapit sa Luhansk region.










