-- Advertisements --

Naniniwala si North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg na hindi nagbawas ng puwersa ang mga sundalo ng Russia at sa halip ay nagrereposition ang mga ito.

Sa kaniyang pagtatalumpati sa news conference sa Brussels na maaaring nagre-group lamang ang mga sundalo ng Russia, nagresupply at reinforce ng kanilang opensiba sa Donbas region.

Nanawagan ito sa Russia na dapat tigilan na nito ang ginagawa nitong pag-atake sa Ukraine.

Nauna ng sinabi ng Russia na kanilang babawasan ang kanilang puwersa.