-- Advertisements --

Nagbabala ang Russia na may kakaharapin na hindi magandang kahinatnan sakaling ituloy ng US ang pagbibigay ng Patriot Missile sa Ukraine.

Ayon sa Russian Embassy sa US na kapag natuloy aniya ang plano ay makikita ang hindi magandang pag-uudyok ng US na hahantong sa hindi magandang resulta.

Una na ring sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na ang anumang pagbibigay ng US ng Patriot missiles ay tiyak na target nito ang Russia.

Magugunitang sinabi ng US isinasapinal pa lamang nila ang planong pagbibigay ng Patriot Missile sa Ukraine bilang pagsuporta laban sa pananakop ng Russia.