Sa gitna ng patuloy pa ring debate sa joint exploration ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea, nag-alok ang bansang Russia sa pamahalaan ng parehong deal na gagawin sa kanilang teritoryo.

Sa isang forum nitong araw, inimbitahan ni Russian Ambassador to the Philippine Igor Khovaev ang gobyerno na sumali sa exploration na ginagawa ng kanilang oil firms sa gas resources ng estado.

Aminado ang opisyal na hindi oil at natural gas producer ang kanilang bansa dahil exposed ito sa malamig na klima, hindi tulad ng Middle East.

Pero dahil umano sa “advanced technology” na kaya nilang ilaan ay nakakapag-exploit sila ng langis sa rehiyon.

“I would like to remind you that exploration of oil and gas in Russia is not an easy matter, it’s much more difficult than the exploration of oil and gas in, for example, in the Middle East because most of Russian oil and natural gas are produced in the Arctic under harsh climate conditions,” ani Khovaev.

Sa ngayon nakikipag-coordinate na raw ang Russia sa Department of Energy ng Pilipinas at ilang oil companies para sa kanilang alok na joint exploration.