-- Advertisements --

Naglunsad ng isang napakalaking missile attack ang Russia sa gitnang lungsod ng Kryvyi Rih ng Ukraine.

Ito ay ikinamatay ng hindi bababa sa tatlong tao at nasugatan ang 25 gayundin na napinsala ang maraming imprastraktura.

Isinagawa ang mga rescue operation sa isang nasunog na limang palapag na apartment building at sa isang nawasak na bodega sa nasabing lungsod.

Sinabi ng alkalde ng lungsod na si Oleksandr Vilkul na hindi bababa sa pitong tao ang pinaniniwalaang nakulong sa ilalim ng mga durog na bato dahil sa pagguho ng mga gusali.

Dagdag dito, ang Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ay kinondena rin ang pag-atake sa kanyang nasasakupang bayan.

Kung matatandaan, umalingawngaw ang mga air raid sirens sa buong Ukraine, kung saan sinabi ng mga opisyal ng militar ng Kyiv na winasak ng air defense forces ang lahat ng missile ng Russia na nagta-target sa capital ng Ukrainian.

Sinabi ng nangungunang military command ng Ukraine na winasak ng air forces ang 10 sa 14 cruise missiles na inilunsad ng Russia sa Ukraine at isa sa apat na Iranian-made drones.