-- Advertisements --

Mas pinalawak pa ng Russia ang kanilang ground assault sa Kharkiv region ng Ukraine.

Ayon sa Kharkiv regional governor na inaatake ngayon ng Russia ang mga bagong lugar at pinalawak nila ito sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing lugar.

Umabot na sa mahigit 5,700 residente ng lugar ang lumikas at patuloy pa rin ang kanilang panawagan sa residente na lumikas na rin.

Hindi naman itinanggi ng Ukraine na nagkakaroon ng bahagyang tagumpay ang Russia sa pag-atake sa ilang lugar ng Ukraine.

Pagtitiyak naman nila na hindi nila hahayaan na makapasok pa ang Russian forces sa lugar kung saan kanilang itinataboy palayo ang mga ito.