-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapaulan ng missile ng Russia sa mga pangunahing imprastraktura ng Ukraine.
Ayon sa Ukraines Ministry of Defense na naging matindi ang pag-atake ng Russia sa Donetsk at Luhansk regions.
Nagpalipad din ng mga fighter jets ang Russia sa Black Sea at Caspian Sea habang aktibo rin ang coastal missile systems nila sa Crimea.
Tinatarget aniya ng Russia na makubkob ang Sloviansk kaya naging matindi ang ginagawang pagdepensa ng Ukraine sa lugar.
Nauna ng tiniyak ng Ukrainian government na handa ang kanilang mga sundalo na ipagtanggol ang kanilang bansa.










