-- Advertisements --
Mas tumindi pa ang ginawang missile attack ang Russia sa iba’t-ibang bahagi ng Ukraine.
Pinakahuling tinamaan ng missile ay ang Dnipropetrovsk region kung saan nagtamo ng damyos ang kanilang energy infrastructure.
Nagresulta ito sa kawalan ng suplay ng kuryente sa Dnipro city at katabing lugar nito.
Mayroong 34 katao kabilang ang limang bata ang nasugatan dahil sa missile attack.
Ipinagmalaki naman ng Russian Defense Ministry na kanilang natamaan ang mga nakatalagang target sa inilunsad nilang malawakang pag-atake.
Dahil dito ay patuloy ang ginagawang counter-offensive ng Ukraine sa ginagawa ng Russia.