Sisimulan na ng US military ang blockade sa Iranian ports ngayong Lunes, Abril 13 matapos na tumanggi ang Iran na sumuko sa kabila pa ng mga babala.
Ayon sa US Central Command, isasagawa nila ang blockade sa papasok at palabas ng Iranian ports mamayang alas-10:00 ng umaga eastern time o alas-11:00 ng gabi Manila time.
Subalit nilinaw ng US military na hindi nito haharangin ang mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz, na bumibiyahe patungo at mula sa ibang mga bansa.
Ginawa ng US military ang pahayag matapos ihayag ni US President Donald Trump na magpapatupad ng blockade sa naturang lagusan ng mga barkong nagdadala ng mga langis at nagbantang haharangin ng US ang lahat ng barkong papasok at lalabas sa Hormuz.
Nagbabala naman ang Iran’s Revolutionary Guard na ang paglapit ng military vessels sa Hormuz Strait ay maituturing na paglabag sa kasalukuyang umiiral na ceasefire at nangakong matinding tutugunan ito.















