-- Advertisements --

Maaaring maglagay ang Russia ng malakas na uri ng nuclear weapons sa Belarus.

Ito ang ginawang pagbubunyag ni Belarusian President Alexander Lukashenko bukod pa sa planong paglalagay ng tactical nuclear warheads ng Moscow.

Unang sinabi ni Russian President Vladimir Putin na posible sa Hulyo ay magsimula na silang magtayo ng storage facility para sa tactical nuclear weapons sa Belarus.

Magugunitang makailang beses na humiling si Lukashenko kay Putin ng mga nuclear weapons dahil umano sa planong pagpapatalsik sa kaniya ng mga Western allies.