Ikinakabahala ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang patuloy na pagsakop ng Russia sa maraming teritoryo ng Ukraine.
Dahil dito ay pinapamadali na ni Zelensky sa US ang pagbibigay na nila ng mga military aide.
Mahalaga aniya na agad na maibigay na ang $61 bilyon na military aide.
Mula pa noong Disyembre kasi ay sinasamantala ng Russa ang kakulangan na ng armas ng Ukraine kung saan patuloy ang pag-abante ng kanilang mga sundalo.
Noong Pebrero din ay inanunsiyo ng Ukraine ang pag-atras ng mga kanilang mga sundalo sa Avdiivka ang bayan na ilang dekada ng pinaglabanan nila ng Russia.
Pagtitiyak naman ni US President Joe Biden na lahat ng tulong ng Ukraine ay kanilang ibibigay para lamang tuluyang masugpo ang ginagawang pag-atake ng Russia.