-- Advertisements --

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi na mauulit pa ang insidente ng pagkamatay ng motor taxi rider habang naghihintay ng ayuda.

Nakipag-ugnayan na rin sila a Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng mga ayuda.

Magugunitang nasawi ang isang motorcycle rider habang naghihintay sa kaniyang P5,000 fuel cash assistance.

Kinumpirma ng kaanak ng biktima na atake sa puso ang pagkasawi nito matapos ang ilang oras na pila.

Nabigyan na rin ng DSWD ng tulong ang pamilya ng biktima.