-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russia na kanilang tinatarget ang mga military at energy facilities ng Ukraine.

Ayon sa Ministry of Defense ng Russia na patuloy ang paggamit ng kanilang Armed Forces ng Russian Federation na patuloy ang kanilang malawakang atake sa Ukraine.

Gumagamit aniya sila ng high-precision long-range air and sea-based armament.

Una ng sinabi ni Lviv regional military administration Maksym Kozytskyi ng Ukraine na mayroong tatlong pagsabog sa dalawang energy facility sa Lviv region.

Tinamaan din umano ng tinatawag na “kamikaze drones” ang Ladyzhynska power plant sa Vinnytsia.