-- Advertisements --

Itinanggi ng Russia na sila ang naging sanhi food crisis sa buong mundo.

Sa talumpati ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov sa Arab League ambassadors sa Cairo, Egypt, sinabi nito na kagagawan lamang ng mga western countries ang nasabing kuwento.

Minamanipula lamang aniya ng US at ibang mga bansa ang nasabing usapin na ang katotohanan ay kaya nagkaroon ng food crisis ay dahil sa mga sanctions na kanilang ipinataw.

Inakusahan din nito ang mga western countries na nais nilang ipakita ang pagdomina nila sa ibang mga bansa.