-- Advertisements --

Itinanggi ng Russia na nagtagumpay ang puwersa ng Ukraine sa kanilang pag-atake sa ilang lugar nila.

Sinabi ng Ministry of Defence ng Russia na kanilang naitaboy ang ilang militia group na Freedom of Russia Legion matapos ang ilang oras na bakbakan sa kanila.

Gumamit umano ang Russia ng mga fighter jets para sa pag-atake sa nasabing mga grupong nagtangkang pasukin ang ilang pasilidad ng Russia.

Ang nasabing pag-atake ay isinabay ilang araw bago ang presidential elections sa Russia na gaganapin mula Marso 15 hanggang 17.