-- Advertisements --
Nagpasa ng batas ang Russia sa paglimita sa edad ng mga tao na sasali sa sundalo.
Ayon sa Russian parliament na maaaring sumali sa pagkasundalo ang sinuman nilang mamamayan ng hanggang edad 50.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagkuha ng Russia ng mga bagong sundalo na ilalagay sa paglaban sa Ukraine.
Sa kasalukuyang batas kasi ay maaring sumali sa pagkasundalo ang mga Russian mula edad 18 hanggang 40 habang sa mga dayuhan ay maaaring sumali sa edad 18 hanggang 30.