-- Advertisements --

Inulan ng missile ng Russia ang capital city ng Ukraine na Kyiv.

Isinagawa ang pagpapaulan ng missile habang ginaganap ang G7 summit sa Germany.

Tumama ang missile sa residential area na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng anim na iba pa.

Ayon kay Deputy Mayor, Volodymyr Bondarenko dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima at patuloy ang ginagawang search and rescue operations.

Sinasabing gumamit ng Tu22M3 long-range bombers ang mga Russians mula sa himpapawid ng Belarus na siyang unang beses nangyari sa Ukraine.