-- Advertisements --
Inako ng Russia ang missile attack sa pantalan ng Odessa sa southern Ukraine.
Ayon sa Russian Defense Ministry na target ng nasabing missile attack ay ang military at fuel infrastructure.
Dagdag pa nito na gumamit sila ng high-precision sea and air based weapons sa military industry facilities, fuel infrastructure at ammunition depot.
Ipinagmalai pa nila na lahat ng mga target nila ay kanilang natamaan sa nasabing missile strike.